Ayon kay Pierangelo Alejo
(2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang
pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang
sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon
ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa
rin sa kanya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong
aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at
paggalang o pagsunod.
Maaaring patuloy na nagkakaroon
ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay
isang likas na institusyon. Bakit nga ba? Basahin mo at unawain sa ibaba ang
pitong mahahalagang dahilan:
Mahal
kita dahil
ikaw ay
ikaw…
|
Nabuo
ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpa-syang magpakasal
at mag-sama nang habambuhay.
|
Ang pamilya ay biyaya sa lipunan. Sa
kanila nakasalalay ang katiwasayan nito.
|
Ang pamilya ang una at
pinakamahalagang yunit ng lipunan.
Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil
sa gampanin nitong magbigay-buhay.
|
Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
|
Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta
pinapalitan kung hindi man niya magampanan nang maayos ang kanyang pananagutan. Samantalang sa isang kompaniya o samahan,
kung hindi tutupad sa kanyang tungkulin ang isang kasapi maaari siyang palitan
ng taong may higit na katangian at makagaganap ng nasabing pananagutan. Ito ay hindi maaaring gawin sa miyembro ng
pamilya. Ang ama kung mawalan ng trabaho ay hindi pwedeng pagpasyahan ng
mag-iina na alisin na siya bilang ama.
Siya pa rin ang ama at ang paggalang sa kanya ay hindi mababawasan kung
wala siyang trabaho. Ganoon din, hindi
rin nababawasan ang kanyang dignidad kung wala siyang trabaho. Kaya nga, kahit sa panahon ng materyalismo na
kung saan pinahahalagahan ng ilan ang pakinabang na makukuha sa tao kaysa sa
halaga niya bilang tao, dapat makintal sa isip ng bawat miyembro ng pamilya na
bigyang-halaga ang kapamilya kahit hindi ito makatugon sa bawat inaasahan sa
kanya. Ito ay dahil umiiral
sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Ang isang sanggol
na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal na ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang
kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng
haplos; ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa
kapakanan ng batang nasa sinapupunan; at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga
ng pangangak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan
dahil masisilayan na ang biyayang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa
pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. Ang bawat
kasapi ng pamilya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga, sila ay
minamahal at tinatanggap dahil siya ay siya.
Sa
pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang matutuhan
kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan natututuhan ng
tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – ang isang tao na binibigyang,
halaga para sa kanyang sariling kapakanan at nakakamit ang kaganapan sa
pamamagitan lamang ng matapat na pag-aalay ng sarili para sa kapwa.
Ang
pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay
(the first and irreplaceable school of social life).
|
Ang
pamilya ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang
lipunan. May orihinal na kontribusyon
ito sa pagtatayo ng mundo, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga
pagpapahalaga. Dito umuusbong ang mga
panlipunang pagpapahalaga na nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan. Una rito ang
ugnayan (communion) at pakikibahagi
na dapat umiiral sa araw-araw na buhay-pamilya. Nagagabayan ng batas ng
malayang pagbibigay (law of free giving)
ang ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Tatalikuran ng mundo ang isang tao
dahil sa
kanyang pagkakasala ngunit mananatiling nakaalalay at naniniwala sa kanya ang
kanyang pamilya – mananatili sa kanyang tabi upang gabayan siyang baguhin ang
kaniyang buhay. Nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para sa pag-aaruga
ng anak na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para maihatid siya sa
paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na matanggap ng anak ang
anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya. Lahat ng ito ay malayang ibinigay bunsod ng
pagmamahal.
Ang ganitong
ugnayan na umiiral sa pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para
sa panlipunang buhay, ang halimbawa at ugat ng mga ugnayan sa lipunan. Ang
pakikitungo ng lalaki sa kanyang maybahay, ang pag-aasikaso ng babae sa kanyang
asawa at ang pagtrato ng ama o ng ina sa kanyang mga anak ay pinag-uugatan ng
iba’t ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang pag-uunawaan na nakikita ng mga
anak sa kanilang mga magulang ay magtuturo sa mga anak na maging malawak ang
pag-unawa sa kaniyang kapwa. Kapag maayos ang samahan ng pamilya sa loob ng
tahanan, mas magiging madali para sa isang anak na makitungo sa kaniyang kapwa,
hindi siya mababalot ng takot o kawalang tiwala, bagkus laging ang mananaig ay
ang pagmamahal na naitanim sa loob ng tahanan.
”Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang
pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid at ang pamumuhay nang simple.
Sa aking ama, natutuhan ko na ang panga-ngalaga sa integridad ng pagkatao at ang karangalan ng pamilya
ang pinakamahalaga sa lahat.”
-Sec. Jesse Robredo
|
Ang mga pagpapahalagang-panlipunan na natutuhan sa
tahanan ay gagamitin ng bata sa pakikitungo kaniyang kapwa. Mahalagang maibigay
na biyaya ito sa kanya upang maging madali para sa kanyang hanapin ang kanyang
kaganapan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba. Makakamit ang kaganapan
ng pagkatao kung kapwa maituturing ng mga tao ang isa’t isa bilang tao.
May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang
pamilya.
|
“Maaaring magkaroon
kami ng dahilan para malungkot sa dalawang nakalulunos na pangyayari,
ngunit mas nangingibabaw ang pagkalugod dahil sa dalawang pagkakataon
naramdaman namin ang pagtanggap, pagmamalasakit at pagmamahal ng mga
pamilyang ginamit na instrumento ng Diyos upang tugunan ang aming
panalangin sa panahon ng pangangailangan.”
|
Nang maganap ang malakas na
ulan bunga ng HABAGAT naulit ang kasaysayan sa aming bahay. Ngunit sa
pagkakataong ito hindi pa man kami nagpapasyang umalis ng aming bahay, may
dumating na isang kapitbahay at sinusundo kami upang patirahin sa kanilang
tahanan. Sa loob ng apat na araw kami ay kinupkop ng isa na namang pamilya.
Maaaring magkaroon kami ng
dahilan para malungkot sa dalawang nakalulunos na pangyayari, ngunit mas
nangingibabaw ang pagkalugod dahil sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon,
naramdaman namin ang pagtanggap, pagmamalasakit at pagmamahal ng mga pamilyang
ginamit na instrumento ng Diyos upang tugunan ang aming panalangin sa panahon
ng pangangailangan.”
Kasama sa panlipunang tangkilis ng
pamilya ang gampaning politikal tulad ng pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan – kung ang mga ito’y sumusuporta at pinagtatanggol ang
mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin
ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin – at
hindi nakatuon sa kapakanan ng sariling pamilya lamang.
Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
|
Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa
puso ng mga anak ang siyang magtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos sa
kaniyang mga pagpapasya. Ngayon na nahaharap ang mga kabataan sa mundong
unti-unti ang paglaganap ng mga negatibong impluwensya, mahalagang taglay nila
ang mga pagpapahalagang kailangan para sa maingat na pagpapasya.
Bukod sa pagiging modelo ng
mga pagpapahalaga, ang mga magulang ay dapat na mamuno at manguna sa
pananalangin kasama ang anak, magbasa at pabasahin ng mga aklat ang mga anak
tungkol sa pananampalataya at mamuno sa regular na pagtuturo tungkol sa
pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano). Upang makamit ang edukasyon sa
pananampalataya, kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa ibang insittusyon tulad
ng paaralan at simbahan/sambahan.
Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya. Ang
mga hindi matatawarang halimbawa ng mga magulang ang magsisilbi gabay ng mga
anak sa kanilang pamumuhay sa hinaharap. Ang ihanda sila sa buhay panlipunan ay
isang regalong hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito
mauubos at hindi mananakaw ninuman.
Pagtutulungan ng
Pamilya
Ang
pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng
bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang
pamilyang Pilipino sa walang hanggang pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging
nakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa.
Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakatatanda. Hindi hinahayaan ang ina o
amang tumatanda na maiwan sa nursing home
katulad ng mga dayuhan bagkus sila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng
kanilang buhay. Hindi man maalagaan ng lahat ng mga anak ay patuloy ang
pagtulong pinansiyal ng ilan. Katulad ng ibang mga pagpapahalaga, ito rin ay
itinanim ng mga magulang sa kanilang mga anak. Mula pa nang sila ay maliliit
sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin
ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid,at
nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin.
Maituturing
na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ng pamilya sa oras
ng pangangailangan ngunit mahalagang tandaan na ang pagtulong ay may hangganan.
Kailangang matiyak na hindi ito nagdudulot ng labis na pagiging palaasa.
Kailangan ding matulungan ang isang anak na tumayo sa kanilang sariling mga paa
sa takdang panahon. Hindi makatutulong kung laging nariyan ang magulang upang
tugunan ang pangangailangan ng mga anak. Sa takdang panahon, kailangan na
nilang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. Sa ganitong paraan
mas matutulungan ang isang anak na hanapin at matagpuan ang kanyang pagkatao.
No comments:
Post a Comment